Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng kasong kriminal laban sa isang mataas na opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos siyang makitaan ng probable cause sa paglabag sa Article 218 ng Revised Penal Code matapos mabigong maiulat ang kanyang unliquidated cash advances na may kabuuang P874,000.

Batay sa record ng Ombudsman, Enero 2005 nang tumanggap ng cash advances si Director III Juan Raña ng DENR para sa kanyang travel expenses papuntang China na nagkakahalaga ng P400,000 at iba pang gastusin kaugnay ng Diwalwal takeover at pagsamsam sa mga pinutol na troso.

Bagamat ilang beses nang iniutos ng Commission on Audit (COA) na i-liquidate ni Raña ang mga gastusin nito ay patuloy naman umanong hindi tumatalima ang opisyal.

Samantala, ibinasura na ng Ombudsman ang kasong administratibo ni Raña dahil naihain na ang reklamo sa Civil Service Commission.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente