Jam Sebastian

MALUNGKOT na ibinalita ni Maricar Fernando Sebastian sa pamamagitan ng Facebook na pumanaw na ang kanyang anak na si Jam Sebastian, 10:30 AM, kahapon dahil sa stage 4 lung cancer.

Sabi ni Maricar: “The fight is over, we lost the battle. My son, Jam Fernando Sebastian just passed away 10:30 AM.”

Nag-post din sa FB ang fiancée ni Jam na si Mich Liggayu, ang ka-tandem niya sa kanilang YouTube sensation na JaMich team, at sinabing, tinanggap na niya ang katotohanan na wala na si Jam. Ikinuwento niyang bumaba ang blood pressure ni Jam at nag-bloat ang tiyan.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Nabanggit din ni Mich na masakit sa kanya na marinig na pinag-uusapan ng pamilya ni Jam kung ano ang isusuot nito at hindi niya nakayang tingnan ang ginagawang pag-aayos sa kasintahan. Ang mas masakit pa nito, birthday ni Jam sa March 20, pero hindi na siya umabot na mag-29 years old siya dahil at 28 years old, iginupo siya ng lung cancer na halos isang taon din niyang nilabanan.

Matatandaang sa last days ni Jam, binisita pa siya nina Vice Ganda, Mark Herras at Kris Aquino. May video pa sa kanya si Cong. Manny Pacquiao encouraging him na lumaban at huwag magpapatalo sa kanyang sakit. (Nitz Miralles)