facebook-20150228-164658 (photo for Page 4)

Simula nitong Sabado ay ilang lansangan sa Intramuros, Maynila ang isinara sa mga motorista o bubuksan lang sa one-way traffic upang maengganyo ang mga turista na maglakad sa makasaysayang lugar sa halip na gumamit ng sasakyan.

Ito ang inihayag ng Intramuros Administration, isang ahensiya ng Department of Tourism (DoT), upang pangalagaan ang kapakanan at kaligtasan ng dumaraming turista sa Intramuros.

Ayon sa ahensiya, ipatutupad ang one-way traffic sa General Luna Street (ang mga northbound vehicle sa P. Burgos Avenue ay maaaring kumanan sa Muralla Street).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukas din sa one-way traffic ang Arzobispo Street—northbound mula Anda hanggang Postigo.

Ang Sto. Tomas Street sa harap ng Manila Cathedral, at sa harapan ng Plaza Sto. Tomas ay isasara sa mga motorista.

Hindi na rin makadadaan ang mga sasakyan sa Andres Soriano Avenue, mula Anda Circle, subalit maaaring dumiretso sa Magallanes Drive.

Upang hindi na tumuloy ang mga sasakyan mula Andres Soriano, maglalagay ng mga billboard sa Muralla Street, tapat ng Bank of the Philippine Islands.

Itinalaga rin ng Intramuros Administration ang Plaza Roma, sa may Andres Soriano Jr. Avenue (daing Aduana), Cabildo, General Luna at Muralla Street sa tabi ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

“The IA mandate is for the orderly restoration and development of Intramuros as a monument to the Hispanic period of our history. The IA shall ensure that the general appearance of Intramuros conform’ to the Philippine-Spanish architecture of the 16th to the 19th century,” pahayag ng ahensiya.

Sa pamamagitan ng bagong traffic scheme, umaasa ang Intramuros Administration na dadami ang outdoor activities tulad ng pagbibisikleta, jogging, at sight-seeing, partikular ang mga dayuhan at lokal na turista, sa lugar. -Jenny F. Manongdo