Pebrero 28,1784 nang itatag ni John Wesley (1703-1791) ang Methodist Church sa United States sa paglagda sa isang formal declaration, upang paglingkuran ang mga nananalig na inabandona ng Anglican Church, at paunlarin ang Church of England.

Sa una niyang religious service sa bansa, nabigo si Wesley sa pag-ibig, at hindi siya gaanong sinuportahan sa kanyang methodical Anglicanism. Naramdaman niya ang pagmamahal ng Diyos matapos niyang makilala ang German Moravians nang bumalik siya sa London. Nagsimula siyang magturo sa mga bakanteng lugar matapos siyang pagbawalang magbahagi ng salita ng Diyos sa mga simbahang Anglican. Noong 1739, gayunman, ay dumistansiya si Wesley sa Moravians, ngunit nanatiling Anglican.

Pormal nang tumiwalag ang mga Methodist sa Church of England noong 1795. Tinuturuan ng Kristiyanong sekta ang mga mananampalataya na mamuhay nang simple.

Noong ika-20 siglo, lumahok ang sekta sa mga ecumenical dialogue. Pagsapit ng 2000, mayroon nang 15 milyon Methodist sa iba’t ibang bansa.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte