Ipinagtanggol ni Senate President Franklin Drilon ang government peace panel na pilit na pinagbibitiw bilang mga negosyador ng gobyerno.

Ayon kay Drilon, babagal lang ang usaping pangkapayapaan kung magbibitiw sa tungkulin sina Secretary Teresita Deles at Prof. Miriam Coronel-Ferrer.

“I appeal for a deeper public support and understanding of the role of the government peace panel in the realization of our goal of providing lasting and genuine peace in Mindanao, which for four decades suffered from all forms of insurgency and criminality,” ani Drilon.

Aniya, nauunawaan niya ang sentimyento ng publiko dahil sa insidente sa Mamasapano, pero hindi naman daw dapat na batikusin ang dalawang negosyador at iginiit din niyang mali na tawagin ang mga ito na mga abogado ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso