Naglabas na ng maikling listahan ang Judicial and Bar Council (JBC) para sa bakanteng puwesto sa Court of Appeals (CA) kasunod ng pagreretiro ni Associate Justice Vicente Veloso.

Kasama sa shortlist sina Manila RTC Judge Ruben Reynaldo Roxas, Manila RTC Judge Ma. Celestina Cruz-Mangrobang, Marikina RTC Judge Geraldine Fiel-Macaraig, Atty. Gabriel Robeniol, Zamboanga City RTC Judge Gregorio dela Peña III, Antipolo RTC Judge Ronaldo Martin, at Makati RTC Judge Jonel Sebastian Mercado.

Kasabay nito, may shortlist na rin ang JBC para sa bakanteng pwesto sa Sandiganbayan.

Matapos ang botohan ng mga miyembro ng JBC kahapon, nakasama sa shortlist ng pagpipilian ng Pangulo sina Muntinlupa RTC Judge Philip Aguinaldo, Makati RTC Judge Mary Ann Corpus-Manalac, Quezon City Presiding Judge Bernelito Fernandez, Assistant Solicitor General Sarah Jane Fernandez, at Justice Undersecretary Jose Justiniano.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho