Pebrero 25, 1836 nang matanggap ng American inventor na si Samuel Colt (1814-1862) ang US patent 9430X para sa inimbento niyang Colt revolver, na kayang pumutok nang paulit-ulit nang hindi ikinakasa.

Ang baril ay may revolving cylinder sa halip na barreled revolver, at isang cocking device. Mayroon din itong locking pawl at percussion cap para sa kaligtasan.

Sa loob ng mahigit 20 taon, namanipula ng Colt revolver ang pagawaan ng revolver, at tumulong sa pagpapaunlad ng war technology.

Taong 1846, sa kasagsagan ng Mexican War ay bumili ang gobyerno ng Amerika ng 1,000 piraso ng Colt revolver. Ginagamit ng mga sundalo at sibilyan ang Colt revolver bilang kanilang armas.

Metro

Lalaking bugbog-sarado matapos gahasain ang 4-anyos na bata, arestado!

Itinatag ni Colt ang pinakamalaking pabrika ng armas sa mundo noong 1855. Nang sumunod na taon, nakakagawa na ang pabrika ng 150 baril kada araw.

Nang siya ay pumanaw noong 1862, isa si Colt sa pinakamayayaman sa Amerika. Taong 2006 naman nang mapabilang siya sa National Inventors Hall of Fame.