Aabot sa 400 unibersidad at kolehiyo ang magtataas ng matrikula at iba pang bayarin sa susunod na academic year, 2015-2016, ayon sa Tuition Monitor Network ng National Union of Students of the Philippines (NUSP).

Ayon sa NUSP, tinatayang mahigit 13 porsyento ang itataas sa mga bayarin na una nang ipinatupad ng mga higher education institution (HEI) sa kasalukuyang academic year.

“We are alarmed by the yearly increases,” pahayag ng NUSP at tinawag na anti-student at inhumane ang paglobo ng mga sa bayarin sa eskuwela.

Sa tala ng NUSP, kabilang sa HEI na magtataas ng matrikula at iba pang bayarin ang De La Salle Araneta University (DLSAU), University of the East (UE) Manila at Caloocan, University of Santo Tomas (UST), Colegio De San Juan de Letran, National Teachers College (NTC), Miriam College, Manuel Enverga University Foundation (MEUF), Saint Louis University (SLU) sa Baguio, Ateneo de Naga University (AdNU), La Consolacion College (LCC)-Iriga, University of San Carlos (USC), Cebu Normal University (CNU), Mindanao Polytechnic College (MPC) at Ateneo de Zamboanga University.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasabay nito, mariing kinondena ng NUSP ang harassment umano sa mga leader ng estudyante na mariing kumukontra sa pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin, gaya ni Mark Matibag, na dinala sa Student Affairs Office para sa interogasyon noong Pebrero 17, at ni Mr. James Deang, outgoing president ng National University Supreme Student Council (NUSSC), na binawian ng scholarship.

Blacklisted naman ang mga estudyante ng Eulogio Amang Rodriguez Institute for Science and Technology (EARIST)-Manila makaraang mag-walkout para kondenahin ang ilegal na pangongolekta ng development fee noong nakaraang taon.

Kinukuwestiyon ng mga estudyante ang pangongolekta ng iba pang bayarin, tulad ng energy, spiritual, enhancement, life-long development, air-conditioning, P.E., athletics, land infrastructure, internet at drug testing.