TAYTAY, Rizal - Dalawang suspek sa rape na kapwa No. 3 most wanted sa Angono at Baras sa Rizal ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya.

Ayon sa report ng Angono Police at Baras Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, arestado sina Remigio Lozano, alyas Rogie, 21, ng Barangay San Vicente, Angono; at Marcus Bardel, 18, ng Bgy. San Jose, Antipolo City.

Dakong 1:30 ng umaga noong Pebrero 13 nang maaresto si Lozano sa Bgy. San Vicente, Angono, habang sa Bgy. Pinugay sa Baras naman nadakip si Bardel noong Sabado ng tanghali.
Probinsya

Higit 50 katao, nawawala sa gumuhong landfill sa Rizal; ilang pamilya, inalok ng pera 'wag lang magsalita?