Buwan ng Pag-ibig ang Pebrero at tinatawag ding itong Buwan ng Pambansang Sining. Kung Buwan ng Pag-ibig, marami ang nagpapakasal at ikinakasal. Bilang bahagi ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Pag-ibig, nagdaraos ng mga Kasalang Bayan. Isang libre at sabay-sabay na pagkakasal ng mga mayor sa mga mag-asawa na matagal nang nagsasama, may anak at apo na at ng mga binata at dalaga at iba pa na dahil sa kahirapan ay hindi makayang magpakasal sa simbahan.

Sa lalawigan ng Rizal, tulad sa bayan ng Tanay at Morong ay nagsagawa ng Kasalang Bayan 2015. Sa Tanay, si Mayor Lito Tanjuatco, nitong Pebrero 12 ay nagkasal sa may 102 pares ng babae at lalaki. Sa Morong, Rizal, si Mayor Mando san Juan ay nagkasal din nang nang libre at sabay-sabay sa may 70 pares ng babae at lalaki nitong Pebrero 14 na Valentine’s Day na ginanap sa covered court ng Morong. Ang Kasalang Bayan sa Tanay at Morong ay bahagi ng social program nina Tanay Mayor Lito Tanjuatco at Morong Mayor Mando San Juan at ng Sanggunian Bayan na ang pangunahing layunin ay maging legal ang pagsasama ng mag-asawa at maayos ang mga dokumento ng pamilya.

Ang Kasalang Bayan sa Tanay ay ginanap sa bagong gymnasium ng Tanay sa Barahay Katbayani. Ang may 102 pares ng babae at lalaki na ikinasal ay nagmula sa siyam na barangay sa kabayanan at 10 barangay sa bundok ng Tanay. Kabilang sa mga ikinsal ay isanng 88 anyos na lolo at ang misis nito na isang 72 anyos na lola. Sila'y sina Gregorio Galeon at Bonifacia Mananquil na mahigit nang 50 taon nagsasama, may apat na anak at limang apo.

Sa bahagi ng mensahe ni Tanay Mayor Lito Tanjatco matapos na gawin niya ang panunumpa at pagpapatibay sa mga ikinasal, sinabi niya na kailangang ang mag-asawa ay laging magkatuwang sa pagsasama sa hirap man o ginhawa at mga pagsubok. Anuman ang mga biyaya na natanggap sa kanilag pagsisikap ay dapat may prayoridad at direksiyon ang pag-uukulan. Kung may di pagkakaunawaan, kailangang magkaroon nang maayos na komunikasyon; laging mag-usap upang malutas ang problema sa madaling panahon. At si Kristo ang maging sentro ng kanilang pagsasama.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists