Pebrero 14, 1779 nang patayin ang English navigator na si Captain James Cook ng isang galit na grupo nang bumisita siya at kanyang crew sa Hawaii sa ikatlong pagkakataon.

Enero 1778 nang mainit na sinalubong si Cook at ang kanyang crew ng mga katutubo habang ang iba naman ay humanga sa mga barko ng Europe. Kinilala ng mga Hawaiian ang unang pagbisita ng grupo sa isla.

Sa ikalawang pagbisita ng crew ni Cook makalipas ang isang taon ay nagdiriwang ang mga Hawaiian para sa fertility ng kanilang diyos na si Lono. Matapos pumanaw ng isa sa mga crew ni Cook, ang mga natira sa grupo ay naging mortal sa kanilang paningin, na nakaapekto sa kanilang relasyon sa mga katutubo.

Nilisan ng kanilang mga barko na Resolution at Discovery ang Kealakekua Bay noong Pebrero 4, 1779 ngunit nagbalik sa Hawaii pagkaraan ng isang linggo dahil sa malalaking alon. Nagpaputok si Cook at ang kanyang mga tauhan sa ilang Hawaiian, ngunit hindi nagtagal ay inatake sila isang malaking grupo.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente