Laro ngayon: (San Juan Arena)

3 pm Cagayan Valley vs. Cebuana Lhuillier

Sino ang huling uusad sa finals at makatunggali ang Hapee sa 2015 PBA D-League Aspirants Cup championship?

Ito ang sasagutin ngayon ng Cagayan Valley at Cebuana Lhuillier sa kanilang muling pagtutuos sa ganap na alas-3:00 ng hapon sa kanilang winner-take-all Game Three sa kanilang semifinals series sa San Juan Arena.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Magtatagpo ang dalawang koponan upang pag-agawan huling finals berth.

Una nang umusad sa finals ang Fresh Fighters makaraang walisin ang sarili nilang semifinals series ng Cafe France.

Napuwersa naman ng Rising Suns ang do-or-die match matapos makabuwelta sa Gems sa Game Two sa iskor na 98-83.

Inaasahang muling mangunguna para sa Rising Suns ang “fit” na ngayon at wala nang iniindang injury na si Moala Tautuaa.

Naging limitado ang playing time ni Tautuaa sa Game One kung saan ay umiskor lamang ito ng 5 puntos dahil sa iniindang pamamaga ng kanyang tadyang at bronchitis, ngunit nangako ang Fil-Tongan na gagawin ang lahat ng makakaya para tulungan ang koponan na umabot sa finals.

“We are going to work hard. If we get hit, we get hit. That’ s how basketball goes. I’ m a big guy and I know how it is,” ani Tautuaa na tinukoy ang pisikalidad ng laro.

“We hope the calls come our way and our shots fall,” dagdag pa nito.

Kapwa naghahangad ang dalawang koponan na makapasok sa finals ng liga sa ikalawang pagkakataon.

Unang umusad sa finals ang Rising Suns noong 2012 Aspirants Cup habang sa unang taon pa lamang ng liga noong 2010 Foundation Cup nakapasok sa finals ang Gems.

Samantala, sa panig ng Cebuana, sinabi ni coach Boysie Zamar na kailangan nila ng mental toughness para makamit ang panalo.