MONROEVILLE, Alabama (AP) – Hindi magkamayaw ang mga kababayan, kaibigan, at fans ng sumulat ng To Kill A Mockingbird na si Harper Lee sa nakagugulat na pahayag ng publisher nito — na ang halos isang dekadang manuscript para sa sequel ay muling nakita at ilalabas na — kasama ang imahe ng naturang manunulat habang nasa libing ng kanyang kapatid na babae.

 MockingbirdLabis na nagluluksa, tulala, at nakaupo sa isang wheelchair si Lee, malakas nitong kinakausap ang sarili habang ginaganap ang libing ng kanyang mahal na ate at abogadong si Alice, ayon sa dalawang kaibigan ng pamilya na pumunta sa libing noong Nobyembre. Ikinagulat naman ng mga pumunta sa libing ang inasta ni Lee, kuwento ng isa sa mga ito.

Parehong nagsalita ang dalawa sa kundisyong hindi sila papangalanan — ang isa’y takot na magalit ang mga humahawak sa mga ginagawa ng manunulat, at ang isa ay ayaw magalit ang pamilya ni Lee.

Naging maramdamin ang eksena dahil na rin sa inilabas na pahayag noong Martes ng HarperCollins Publishers na nagsabing si Lee, 88, ay nasa isang assisted living center na hindi naman kalayuan sa south Alabama town kung saan siya lumaki at siyang naging inspirasyon ng Mockingbird. Sinabi ng publisher na ang abogadong nakasama ni Alice Lee na si Tonja Carter, ang nakakita sa hindi pa naipa-publish na manuscript na may pamagat na Go Set a Watchman, na siya namang ilalabas sa Hulyo bilang sequel ng minahal na nobela.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I am humbled and amazed that this will now be published after all these years,” nabalitang sinabi ni Lee.

Ayon sa mga nakatira malapit sa pamilya, hindi kaila na si Lee ay bingi, bulag at may sakit — at nakaranas ng stroke ilang taon na ang nakararaan.

Ngunit sinabi naman ng publisher na si Jonathan Burnham sa isang telephone inteview na siya ay “completely confident” na kasama sa desisyon na ilabas ang libro si Lee.

Subalit inamin din niya na wala siyang direktang pakikipag-ugnayan kay Lee tungkol sa bagong libro at matagal na nitong hindi nakikita si Lee, ang huli ay sa selebrasyon ng 80th birthday nito. Ayon kay Burham, pinagbatayan niya ang bahagi ng report ng literary agent na si Andrew Nurnberg, na siyang nakakita kay Lee na “feisty” at nananabik tungkol sa bagong libro.

Sa pahayag si Nurnberg nitong nakaraang Miyerkules sinabi niyang inaasahan nga ang mga haka-haka tungkol sa buhay ni Lee. “There will inevitably be speculation regarding Harper Lee as she has lived a very private life,” aniya. “She was genuinely surprised at the discovery of the manuscript but delighted by the suggestion to publish what she considers to be the ‘parent’ to Mockingbird. I met with her last autumn and again over two days in January; she was in great spirits and increasingly excited at the prospect of this novel finally seeing the light of day.”