Pinipigil ngayon ng pulisya ang anim na kabataan na mga high school student makaraang madakip sa carnapping sa Catanduanes.
Sinabi ni Senior Supt. Adel Castillo, director ng Catanduanes Police Provincial Office, hindi kinilala ang mga suspek dahil mga menor de edad ang mga ito.
Sa follow-up operation ng pulisya, nakarekober ng awtoridad ang tatlong motorsiklo sa bahay ng isang Bonifacia Bueno ng Barangay Moonwalk, Calatagan, Virac at dito rin naabutan ang mga estudyante na pinaniniwalaang miyembro ng carnapping syndicate.
Modus ng mga suspek ang magnakaw ng mga motorsiklo at pininturahan ng panibagong kulay bago ibenta ang mga ito.
Suspetsa ng pulisya na ang tatlo ang nagsisilbing “tirador” sa pagtangay ng mga sasakyan gamit ang mga special tool.
Ang mga nabawing motorsiklo ay nasa pangangalaga ng Virac Municipal Police Station (VMPS).
Ang mga inaresto ay kinasuhan ng carnapping sa prosecutor’s office ng Catanduanes.