LEMERY, Batangas – Daan-daang libo na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa tatlong naaresto, na dalawa sa kanila ay nasa drug watch list ng Lemery, Batangas.

Sa bisa ng search warrant ay naaresto si Jeffrey Apelado, gayundin sina Arnel Hilario at Johnstill Zara.

Inisyu ni Judge Eleuterio Bathan, ng Regional Trial Court Branch 5, Lemery, ang search warrant laban kay Apelado.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 4:00 ng hapon nitong Pebrero 8 nang salakayin ang lugar ni Apelado sa Barangay Maguihan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nakumpiska umano sa mga suspek ang may kabuuang 49 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P200,000.