NEW ORLEANS (AP)– Napantayan ni Russell Westbrook ang kanyang career-high na 45 puntos patungo sa 102-91 panalo ng Oklahoma City Thunder laban sa New Orleans Pelicans kahapon.

Sa pagkawala ni Kevin Durant sa ikaapat na pagkakataon sa huling limang laro, si Westbrook ang naging pangunahing opsiyon sa opensa ng Thunder (25-24).

Nagtapos sila sa isang 13-0 run upang idispatsa ang New Orleans (26-23) at malampasan ang 11-point third quarter deficit upang manalo sa ikatlo lamang na pagkakataon sa huling pitong laro.

Gumawa ng 23 puntos si Anthony Davis para sa New Orleans kasama ang 8 rebounds, habang nagdagdag si Ryan Anderson ng 19 mula sa bench.

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte

Kasalukuyang may iniindang big toe injury si Durant at nagawa lamang makapaglaro ng 22 sa 49 laban ng Thunder.

Mas iniangat ni Westbrook ang kanyang laro at nagtapos na may 58 porsiyento mula sa court. Umiskor siya ng 25 first half points, kabilang ang career-best para sa isang quarter sa kanyang 19 sa unang yugto.

Ngunit nasagot ito ng Pelicans sa malakas na pagpapakita ng kanilang bench, at itinabla ang kanyang point total upang tulungan ang New Orleans sa 57-51 halftime lead.

Sa kalaunan ay napalawig ng Pelicans (26-23) ang kanilang bentahe sa 66-55 sa unang 4 minuto sa ikatlong yugto bago nagtambal sina Westbrook at Serge Ibaka upang agawin ang momentum pabalik sa Thunder. Nagsanib-puwersa sila para sa 15 puntos na kalamangan sa isang 4 minutong stretch na nagtabla sa laro at nagdala sa Thunder patungo sa panalo.

Nagtapos si Ibaka na may 13 puntos, ang lahat ay nanggaling sa second half, kasama ang 7 shot blocks.

Muling maghaharap ang dalawang koponan bukas (Sabado) sa Oklahoma City.

Resulta ng ibang laro:

Minnesota 102, Miami 101

Indiana 114, Detroit 109

Atlanta 105, Washington 96

Boston 104, Denver 100

Brooklyn 109, Toronto 93

Houston 101, Chicago 90

Milwaukee 113, LA Lakers 105 (OT)

San Antonio 110, Orlando 103

Memphis 100, Utah 90