Habang humahakbang ang panahon paangat nang paangat ang antas ng buhay ng tao samantalangt paunlad nang paunlad ang mga pasilidad, ng mga bagong gadget, ng mga bagong teknolohiya at imbensiyon pati na ang paglaganap ng mga abot-kayang luxury. Totoo namang nakapapanabik magkaroon ng mamahaling bagay kahit hindi naman natin tuwirang kailangan. Kasabay ng paghakbang ng panahon ang pagkahumaling ng tao sa materyalismo kung kaya hindi sumasapat ang ilan sa mga iyon sa kanilang kasiyahan. Ngayon marami tayong nakikitang luxury, lalo na sa mga mall ngunit hindi na tayo gaanong nasasabik bunga na rin ng stress level. Mas marami ngayon ang may mataas na sugar level, mas maraming pasyente na may high blood pressure kaysa nakaraang dekada. Ang dahilan ng lahat ng stress at pagkabalisa ay ang magulo na pamumuhay.
Narito ang ilang tips na maaaring magpasimple ng iyong pamumuhay at magpaangat ng antas ng iyong kasiyahan sa buhay:
- Huwag magpaimpluwensiya. - Hindi mo kailangang sundin ang lahat ng idinidikta ng lipunan. Kung nagpa-tattoo ang iyong kaibigan sa ano mang bahagi ng kanyang katawan, hindi mo kailangang magpa-tattoo sa buo mong katawan ipang mapa-impress mo siya. Mamuhay ka nang para sa iyo at hindi para sa iba. Kung magpapa-tattoo ka sa buo mong katawan ngayon, hihinto rin ang pagkahumaling mo rito kalaunan at malamang na iyong pagsisisihan ang paggastos nang malaki para sa tattoo na magpapaalala sa iyo ng iyong kahambugan. Hindi ko naman pinagbabawalan ang sino man na nagnanais magpa-tattoo dahil karapatan nila iyon.
- Mag-donate. - May nakapagsabi na ang ano mang bagay na hindi nagamit sa loob ng anim na buwan ay malamang na hindi magagamit sa susunod na anim na buwan. Kaya kung may mga gamit ka na hindi mo na ginagamit o pinapansin man lang, ipamigay mo na, tulad halimbawa ng sapatos, mga abubot, bling-bling, headband, headphone, lumang cellphone, flower vase atbp. Makatutulong ito sa pagpapalaganap ng kasiyahan sa lipunan habang pinaluluwag mo ang espasyo sa iyong tahanan.