Nakalulugod isipin na ang Pacific Economic Cooperation Council (PECC) na magpupulong sa Singapore sa Pebrero 26-27 ay nakatuon sa pagpapalawak ng ekonomiya na pakikinabangan ng lahat, kabilang ang maralita. Aminin na natin na lumawak ang ekonomiya ng ating bansa nitong nakaraang mga taon ngunit hindi naman gaanong tinamasa ng maralita. Inimbita ng PECC si Albay Gov. Joey Salceda upang magtalumpati sa pagtitipon at ibahagi ang kanyang estratehiya at talino sa isyu.

Tatalakayhin sa Singapore forum ang mga paraan upang matamo ang malawak na paglago ng ekonomiya sa “new normal” na tumutukoy sa mga situwasyon ng malimit na pagkaabala sa ekonomiya dahil sa masasamang lagay ng panahon bunsod ng climate change. Ang PECC forum ay inisponsor ng Singapore National Committee for Pacific Economic Cooperation Council (SINPEC) at ng Philippine Pacific Economic Cooperation Committee (PPECC). Tatalakayin ni Gov. Salceda ang “Inclusive Growth: Building Capacity at Individual and Community Levels”.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

“We would like to invite you… and share with us your views and experiences on how communities can better prepare for natural calamities that frequently impact our region,” saad ng invitation letter. Pag-aaralan sa komperensiya ang kahusayan ng DRR at climate change adaptation (CCA) programs in Albay ni Salceda na nagtamo ng tagumpay at pagkilala ng daigdig kung kaya pinangalanan siya bilang UN Senior Global Champion in DRR-CCA, at ang Albay bilang Global Model.

“The challenge is how regional economies can implement programs that will ensure regional growth is not only sustainable but also inclusive,” anang naturang liham na nilagdaan nina PECC co-chairmen Jusuf Wanandi at Don Campbell, SINCPEC chairman Tan Khee Giap, at PPECC chairman Antonio I. Basilio.

Inilutang din sa liham na “the Philippines assumes the APEC chairmanship this year at a time of tremendous changes in regional and international economies while recovery from the Global Financial Crisis remains fragile and largely dependent on extraordinary economic stimulus”.