MASERU, Lesotho (AFP) – Dalawang bodyguard na inatasang protektahan si Lesotho Prime Minister Tom Thabane ang binaril at nasugatan noong Linggo at isang istambay ang napatay sa barilan, limang buwan matapos ang bigong kudeta sa maliit na kaharian sa Africa, sinabi ng isa sa kanyang senior adviser.

Ang dalawang nasugatang lalaki ay kapwa mga sundalo na binalaan si Thabane tungkol sa planong kudeta noong Agosto 2014 nang atakehin ng militar ang ilang police installations at ang tirahan ng prime minister, na ikinamatay ng isang pulis, ayon sa adviser, idinagdag na maaaring may kinalaman ang nabigong kudeta sa pagtatangka sa kanilang buhay.

Hindi kasama ng dalawang bodyguard ang prime minister nang maganap ang pamamaril sa labas ng Royal Palace ni Lesotho King Letsie III.

Magdadaos ng halalan ang Lesotho sa Pebrero 28.

National

Benhur Abalos, bumisita kina Ex-VP Leni sa Naga; nag-donate sa typhoon victims