BALANGA,Bataan - Bago pa man simulan ang karera kahapon, nagbalik sa kanyang continental team na Seven Eleven by Roadbike Philippines ang defending individual classification champion na si Mark John Lexer Galedo sa ginaganap na Le Tour de Filipinas.

Si Galedo, na siyang dapat na kapitan ng PhilCycling National Team, ay hindi pinayagan ng race commissaries na kumarera suot ang national colors  base na rin  umano sa isinasaad ng isang artikulo sa UCI rules.

Ayon sa nasabing artikulo, hindi maaring  kumarera ang isang siklista para sa kanilang national team kung kalahok din sa nasabing karera kung saan siya rehistrado ang kinabibilangan niyang continental team.

Ito`y para maiwasan ang isa pang karagdagang rider para sa nasabing continental team sa karera.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Gayunman, kapwa sinabi at tiniyak nina national team coach Chris Allison at Seven Eleven team director Ric Rodriguez na hindi malaking isyu ang pagbalik ni Galedo sa Seven Eleven.

``It`s not a big deal in a sense that Mac (Galedo) is still ready to go up,” ani Allison. ``It`s just that he`s going to wear another jersey.”

``Both the Philippine Team and Seven Eleven will still be working together to make sure that we do  as well as we can for the country,`` dagdag pa nito.

Sa isang banda, makakatulong din aniya ang pagkakalipat ni Galedo sa Seven Eleven lalo na sa papalitsa kanya sa national team na si Jerty Aquino Jr., dahil mabibigyan din ng pagkakataon na magkaroon ng tune-up si Aquino kasama ng kanyang mga kakampi para sa nakatakda naman nilang pagsabak sa darating na Asian Cycling Championships na gaganapin sa Thailand pagkatapos ng Le Tour.

Ibinaba naman bilang alternate rider si Boots Ryan Cuyubit sa Seven Eleven sa pagbabalik ni Galedo.