Talagang nakapanghihinayang ang pagkawala ng buhay ng 64 miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) sa kamay ng magkasanib na puwersa ng tulisang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa sagupaan sa Bgy. Tukinalapao, Mamasapano Maguindanao noong Linggo.

Batay sa ulat ng MILF investigators na isinumite sa MILF Central Committee, ang mga nasawi ay kabilang sa police commandos na pumasok sa lugar na kontrolado ng MILF para isilbi ang warrant of arrest kina BIFF commander Basit Usman at Malaysian bomb expert Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, na konektado sa teroristang grupong Jemaah Islamiyah na naka-base sa Indonesia. May walo rin daw na BIFF-MILF member ang napatay ng mga SAF. Si Marwan ay may $5 milyong premyo sa kanyang ulo samantalang si Usman ay may $1 milyong reward. Napatay rin daw sa engkuwentro si Marwan. Gayunman, ipinasisiyasat ni Defense Sec. Voltaire Gazmin kung totoong napatay ang bomb expert dahil minsan ay “nakuryente” na ang military sa balitang napatay ito ng military ilang taon ang nakalilipas.

Nagpupuyos sa galit ang gobyerno PNoy kasama ang AFP at PNP. Lahat ng Pilipino ay naghahangad ng hustiya sa pagkamatay ng mga pulis. Isang PNP officer ang nagsabing hindi nila hahayaang walang managot sa nakahihilakbot na pagpaslang sa mga kasapi ng SAF. Dapat ngang papanagutin ang nasa likod ng ganitong pagpatay, kabilang ang MILF command, na ngayon ay nakikpagnegosasyon sa kapayapaan pero gumagawa naman ng karahasan. Sinabi ni DILG Sec. Mar Roxas na isang “misencounter” ang sagupaan ng SAF vs. BIFF-MILF na pitong opisyal at 36 non-commissioned officer ang napatay. Kabilang sa namatay si Senior Inspector Gary Erana na nakatakdang magpakasal sa nobyang si Suzette Tucay sa susunod na taon. Sa ganitong pangyayari, naalala ko tuloy noong panahon ni ex-Pres. Estrada na nag-utos ng all-out war laban sa MILF. Nakubkob ng military ang halos lahat ng kampo ng MILF, kabilang ang pinakamalaking kampo, ang Camp Abubakar. Lupaypay ang MILF noon, pero nang maupo si GMA sa trono ng Malacanang, muling lumakas ang MILF at ngayon ay nakikipag-usap ng awtonomiya sa gobyernong PNoy.

Sabi nga ng kaibigan kong columnist na si Mon Tulfo: “Walang kinikilala o iginagalang ang mga rebeldeng Muslim kundi ang dahas at bangis din ng military. Si Mon na ang ama ay isang retired colonel, ay taga-Mindanao!
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente