Naniniwala ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na maipagkakaloob pa rin ang kanilang allowance sa pagbibigay ng seguridad kay Pope Francis sa limang araw na pagbisita nito sa bansa.

Sa panayam, inihayag ng mga pulis-Maynila ang kanilang sama ng loob dahil sa pagkabitin ng kanilang P2,400 meal allowance para sa limang araw na duty.

“Hindi namin maintindihan kung bakit nila nasisikmurang ibulsa ang budget para sa aming pagkain. Ganito na ba ka-corrupt ang Philippine National Police (PNP)?” tanong ng isang operatiba ng MPD na tumangging pangalanan.

“Hindi man lamang kami sinabihan na mayroong budget para sa aming pagkain. Ako ay nabigyan ng food pack nang dalawang beses pero ’yun na ‘yun. Nabasa kami sa ulan, napuyat at matapos ay malalaman namin na ganito pala ang kalakaran,” dagdag niya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi ni Supt. Marissa Bruno, tagapagsalita ng MPD, na bago pa man ang papal visit ay walang natanggap na impormasyon ang kanilang tanggapan hinggil sa sinasabing P2,400 meal allowance para sa mga pulis.

Subalit tiniyak ni Bruno na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang liderato ng PNP hinggil sa naturang isyu.