Inihayag ng isang arsobispo ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas na may mga tao ngang nagbabanta sa buhay ni Pope Francis sa limang-araw niyang pagbisita sa Pilipinas noong nakaraang linggo.

Tumanggi naman si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na tukuyin ang grupong nagbabalak na patayin ang Santo Papa.

Gayunman, sinabi niyang ang mga ito ay mga extremist, na minsan nang pinuna ng Papa.

Nagpapasalamat naman si Cruz sa gobyerno, partikular sa pulisya, dahil nairaos nang maayos at ligtas ang pagbisita ni Pope Francis noong Enero 15-19.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Ito ay sa kabila ng pagtanggi ng Papa na magsuot ng bullet-proof vest at sumakay sa bullet-proof na pope mobile.

Sa kabilang dako, naniniwala si Cruz na sinadya ng gobyerno na dalhin sa isang magandang resort sa Batangas ang may 100 pamilyang mahihirap sa Maynila upang “itago” ang mga ito kay Pope Francis.

Ayon kay Cruz, kung totoong regular na ginagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ganitong mga aktibidad para sa mahihirap na pamilya ay bakit itinaon pa ito sa papal visit at bakit ngayon lamang ito nakarating sa kaalaman ng publiko.