KAKASUHAN ni Joanna Krupa, ng Miami franchise (R.I.P), ng defamation ang Beverly Hills troublemaker na si Brandi Glanville dahil sa diumano’y mapanirang mga pahayag nito tungkol sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Tama ang inyong nabasa!

Ayon sa TheWrap.com, naghain ng kaso si Krupa, 35, noong Huwebes dahil nakaranas umano siya ng emotional distress bunga ng mga malisyosong pahayag ni Glanville, hindi lamang tungkol sa maselang bahagi ng kanyang katawan kundi pati na rin sa kanyang buhay pag-ibig. Noong Nobyembre 2013, napanood si Brandi sa Watch What Happens Live at sinabing kinausap umano ito ng dating karelasyon ni Joanna. Si Mohamed Hadid, na noon ay kasal sa cast member ng Real Housewives of Beverly Hills na si Yolanda Foster habang nasa relasyon, ang nagsabing ang kanyang “p—sy smelled.” (Classy pa rin naman ang pagkakabanggit dito ni Brandi.)

Noong Disyembre, gumawa ng mga panibagong komento si Glanville, 42, sa kanyang pagharap sa YouTube at sinabing, “You can’t help the odor situation.” Makalipas ang ilang linggo, nagpadala ng sulat ang mga abogado ni Krupa kay Brandi tungkol sa kanilang planong pagsampa ng kaso.

Nakalakip sa sulat ng abogado ni Joanna na, “You knew your statements were false and that such were damaging and humiliating to Mrs. Krupa and/or her husband and subjected Mrs. Krupa... to hatred, ridicule, contempt and/or injury.”

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“Moreover, it appears you make false statements about Mrs. Krupa to make yourself marketable and to associate your name with a celebrity in attempt to ‘tag’ yourself with her for media and personal searches and/or to create a brand for yourself for monetary and attempted celebrity status,” parte pa rin ng sulat. “Your statements are malicious and knowingly false.”

Laman ng kaso ang umano’y danyos sa pagtitiis ni Krupa na mas mataas pa sa $15,000.

Ang dating masalita na si Glanville ay hindi pa rin tumutugon sa kumakalat na kontrobersiya. Magiging kawili-wili kung siya ay magdedesisyon na pumunta sa korte.