PAGMASDAN lang ang mga accomplishment ng ilang may edad na. Halimbawa na lamang si Maestro Ryan Cayabyab, ang premyadong composer, conductor ng orchestra na tanyag sa buong daigdig na magpahanggang ngayon ay aktibo pa rin sa larangan ng musika (Kasi nga Kayganda ng Ating Musika, Kahit Umuulan at Kapiling Ka). Na ang kanyang bituin ay lalong nagniningning habang humahakbang ang panahon. May ilan ding direktor sa pelikula na sa kabila ng pag-usad ng kanilang edad ay lutang ang kanilang galing sa bawat eksena, kung kaya hindi nakapagtatakang nagiging klasiko ang kanilang mga obra na hinahangaan sa ibang bansa.
Walang ipinag-iba sa kanila ang magaling, matapat at pinagkakatiwalaan kong tubero. Si Mang Tadeo ang tinatawag ko sa tuwing magkakaproblema ang koneksiyon ng tubig sa aking bahay. Kahit 89 anyos na siya, alam niya kung paano kukumpunihin ang mga tubo nang hindi ako magagastusan nang malaki.
Sinasabi sa atin ng Mabuting Aklat na maraming maka-Diyos ang hindi hinahayaang pigilan sila ng kanilang edad – sina Caleb at Moises, halimbawa. Sa edad na 85, si Caleb (isa sa mga nag-espiya sa lupain ng Canaan) ang pumasok sa Lupang Pangako at itinaboy ang mga Anakite. At nagpatuloy naman si Moises na pamunuan ang mga taga-Israel hanggang sa edad na 102. Ang kanilang sikreto: Pananampalataya sa Diyos at dalisay na katapatan hanggang sa tawagin sila ng Diyos upang makasama Niya sa Langit.
Marami ang nabuhay nang higit pa sa 70 anyos na binanggit sa Mga Salmo. Taglay pa rin nila ang “bunga ng katandaan” sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-asa sa iba at paggamit ng kanilang lakas para sa paglilingkod sa Diyos. Ang iba naman, hindi umaabot sa ganoong edad, sapagkat mas gusto nilang makapiling ang Diyos sa lalong madaling panahon.
Habang mayroon tayong lakas, kailangang ilaan natin ang ating mga sarili sa paglilingkod sa Diyos. Maging anuman ang ating edad, maaari tayong magalak ang magdiwang ng ating buhay. Upang maging bata habang buhay at maging kapaki-pakinabang