Enero 23, 1957 nang isapubliko ang unang modernong Frisbees o aerodynamic plastic discs.
Taong 1871 nang itatag ni William Frisbie ang Frisbie Pie Company. Naghahagis ang mga estudyante ng Yale University ng mga pie tin na walang laman bilang pampalipas oras. Noong 1948, inimbento nina Walter Frederick Morrison at Warren Franscioni ang “Flying Saucer,” isang plastic disc na mas malayo ang nararating kumpara sa tins. Taong 1955 nang i-develop pa ni Morrison ang saucer, at ibinibenta ito sa Wham-O company, na kilala sa paggawa ng mga patok na laro.
Disyembre 1967 nang nabigyan ng patent ang modernong Frisbee ng Wham-O designer na si Ed Headrick. Hindi nagtagal ay nagkaroon ng iba’t ibang klase ng Frisbee, katulad ng Frisbee Golf at Freestyle Frisbee. Aabot sa 60 manufacturer ang kasalukuyang gumagawa ng Frisbee, na may 20-25 sentimetrong diameter bawat isa. Kasalukuyang pagmamay-ari ng Mattel Toy Manufacturer ang opisyal na Frisbee model.