MATAGUMPAY ang ginawang pagdalaw ni Pope Francis sa Pilipinas. Makasaysayan ang pastoral visit sa bansa ni Pope Francis na kung tawagin ng mga Pinoy ay Papa Francisco at Lolo kiko. ibig sabihin nito, ang kanyang pagbisita sa bansa ay bilang isang pastol sa kanyang mga tupa o lider ng mga katoliko sa buong mundo.

Ito marahil ang dahilan kung bakit iniwasan ng Papa ang pakikisalamuha sa mga pulitiko. Tinanggihan din niya ang state dinner na inalok sa kanya ng administrasyong aquino dahil nga ang pagpunta niya sa Pilipinas ay nakatuon sa pakikiramay sa libu-libong biktima ng bagyong yolanda na nanalasa sa Tacloban City, Palo, Leyte at iba pang panig ng lalawigan kasama na ang mga lugar sa Eastern Samar.

Kung tutuusin, ang Papa ay isang head of state subalit hindi niya ito ginamit nang siya’y magtungo sa Pilipinas. Maliban sa pagsalubong ni Pangulong Aquino sa kanya nang lumapag ang dambuhalang sri Lankan plane sa Villamor airbase, pagtungo niya sa Malacañang at paghahatid sa kanya sa huling araw niya patungong Rome, hindi nakipagtalamitam kahit minsan si Lolo kiko sa mga pulitiko.

Ang sentro ng kanyang pagbisita ay para sa mga mamamayan ng Tacloban City, Palo, Leyte atbp at hindi para sa mga pulitiko na ang layunin ay para sa kapakanang-personal. Sabi nga ni kaibigang al Pedroche: “ang paghalik ni Pope Francis sa mga bata ay totoo, ang paghalik ng mga pulitiko sa kanila ay para sa boto.”

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Pambihira talaga ang karisma ni Pope Francis sapagkat libu-libong tao ang sumalubong sa kanya sa usT grounds, sa Mall of asia, sa Tacloban at Palo, Leyte, at higit sa lahat ay sa Rizal Park na tinatantiyang anim hanggang pitong milyon ang nakinig sa kanyang misa kahit bumubuhos ang ulan. Sabi nga ng mga observer, baka abutin ng 10 hanggang 12 milyon pa ang mga tao kung walang ulan noong Enero 18 sa Rizal Park. Mahal naming Pope Francis, nais naming bumisita ka uli sa 2016 para naman sa international Eucharistic Congress sa Cebu! Hasta la vista, Pope Francis! Ipagdasal mo po ang mahal naming bansa na ngayon ay binabagabag ng kahirapan, dinadambong ng mga tiwaling pulitiko at dinuduro ng dayuhang bansa dahil wala kaming kakayahang ipagtanggol ang soberanya!