“Throughout my visit, I have listened to you sing the song: ‘We are all God’s children.’ That is what the Sto. Niño tells us. He reminds us of our deepest identity. All of us are God’s children, members of God’s family.”

Ito ang paalaala ni Pope Francis sa mga Pilipino sa kanyang huling misa sa Quirino Grandstand sa Rizal Park noong Linggo ng hapon na dinaluhan ng tinatayang anim na milyong katao, na sumakop sa Quirino Avenue, Roxas Boulevard, Kalaw, Taft Avenue, at maging sa bahagi ng Luneta at Quirino Grandstand, sa kabila ng walang tigil na pagbuhos ng ulan.

Sa pagsisimula ng kanyang homiliya, sinabi ni Pope Francis na ikinalulugod niyang makapiling ang mga Pinoy sa pagdiriwang ng araw ng Sto. Nino na tagapagpaalala sa atin na ang bawat tao ay anak ng Diyos.

Ipinaalala rin niya na dapat protektahan ang lahat ng mga kabataan at hindi hayaang mapagnakawan sila ng kanilang mga karapatan gayundin ang ating pamilya.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi ng papa na naniniwala siya na ang mga Pinoy ay mga natatanging misyonaryo ng pananampalataya sa Asya at hinimok niya ang lahat na ipagpatuloy ito.

“Now, at the end of my visit to the Philippines, I commend you to him, to Jesus who came among us as a child. May he enable all the beloved people of this country to work together, protecting one another, beginning with your families and communities, in building a world of justice, integrity and peace,” aniya.

“Please don’t forget to pray for me. God bless you all,” wika niya sa pagtatapos ng kanyang homiliya.