Alaska's Sonny Thoss goes for a shot against San Miguel's June Mar Fajardo and Arwind Santos  during game 5 PBA action finals at Smart Araneta Coliseum.   Photo by Tony Pionilla

Laro ngayon: (Smart Araneta Coliseum)

7:30 p.m. Alaska vs. San Miguel Beer

Ganap na tapusin na ang serye at angkinin ang titulo ang tatangkain ngayon ng San Miguel Beer sa kanilang muling paghaharap ng Alaska sa Game 6 ng kanilang best-of-seven finals series ng PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Inilipat ang nakagawiang oras na alas-5:15 ng hapon tuwing Linggo dahil sa ipapalabas ng libre ng Araneta Coliseum ang mga aktibidad ng Santo Papa para sa masang Filipino.

Kinuha ng Beermen ang 3-2 bentahe sa serye nang makumpleto nila ang back-to-back win sa pamamagitan ng 93-88 panalo sa Game Five noong nakaraang Biyernes kasunod ng kanilang 88-70 panalo sa Game Four.

Ngunit sa kabila ng pagkabig ng pinakamahalagang bentahe sa serye, hindi pa rin inaalis ni Beermen coach Leo Austria ang malaking posibilidad sa pagbabalik ng Aces.

``Mahirap talagang talunin ang Alaska, laging well prepared sila at every game mayroon silang bagong ginagawa,`` ani Austria,

Katunayan, inihalintulad ni Austria ang nagyaring duwelo nila sa isang chess match kung saan laging nag-aabang ang magkabilang panig sa susunod na galaw.

``Parang chess match ito hanggang sa huli, kanya-kanyang pasok,`` ayon pa sa Beermen mentor.

At nang tanungin kung tatapusin na nila ngayon anag championships series, simple lamang ang naging tugod ni Austria,``We`re here to win a championships, why not.``

Para naman kay coach Alex Compton ng Alaska, inihalintulad niya ang laban nila ng Beermen sa isang kuwento sa Banal na Aklat tungkol sa higanteng si Goliath at sa batang si David kung saan ay inaasahan niyang magiging isa silang David na kayang gapiin ang Beermen na aniya’y isang higante na gaya ni Goliath.

Sa panig naman ng mga manlalaro, para kay dating league MVP Arwind Santos, mas makabubuting matapos na nila ngayon ang serye at nakikita niyang malaki ang kanilang tsansa kung lahat ay magtutulungan at maglalaro ng maganda.

Tumapos si Santos na may 19 puntos at 13 rebounds, bukod pa sa 5 blocks habang nagdagdag din ng 19 puntos ang reigning MVP at Best Player of the Conference na si Junemar Fajardo, kasama na ang 9 rebounds, 5 blocks at 4 assists para pangunahan ang Beermen sa tagumpay na naglapit sa kanila sa asam na kampeonato na huli nilang napasakamay noong 2011 PBA Governor’s Cup.