SAN JOSE, Batangas - Patay na nang madala sa ospital ang isang bilanggo na umano’y nagbigti sa loob ng selda sa himpilan ng San Jose Police sa Batangas.

Hindi na umabot nang buhay sa San Jose District Hospital si Edmundo Calangi, 36 anyos.

Ayon sa report ni SPO2 Nelson Flores, bandang 3:00 ng umaga nitong Enero 15 nang matuklasan ang pagpapakamatay ni Calangi na natagpuang nakabitin sa hagdan ng selda

Posibleng matinding depresyon ang dahilan sa pagpapakamatay ng bilanggo, na nahaharap sa kaso ng ilegal na droga.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20