SYDNEY (AP) — Isinara ang mga dalampasigan ng lungsod ng Newcastle sa Australia sa ikapitong araw noong Biyernes matapos namataan ang dalawang pating sa tubig. Samantala, isang binatilyong spear fisher ang inatake ng pating may 390 kilometro patungo sa timog.

Isang 16 na talampakang great white shark na tinatayang may bigat na 1.9 tonelada ang naispatan araw-araw simula noong nakaraang Sabado hanggang nitong Huwebes sa baybayin ng Newcastle, isang lungsod ng 315,000 katao may 160 kilometo sa hilaga ng Sydney, sinabi ng Newcastle City Council.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho