MARAMING baguhang artista ang kinakabahan kapag de-kalibreng direktor ang namamahala sa gagawing proyekto. Nanganganib silang masigawan na trademark ni Joel Lamangan. Umamin si Coco Martin na ganoon na lamang ang kanyang takot at kaba sa unang pagsasama na nila ni Direk Chito Rono sa Feng Shui 2 na pumangalawa sa entries nitong nakaraang MMFF.

Ganito rin ang impression ng ilang artista kay Direk Laurice Guillen, na nagbabalik GMA-7 sa bagong teleseryeng Second Chances.

May dapat bang pangilagan ang cast ng Second Chances na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Raymart Santiago?

"Para na ninyo akong tinawag na terror director," bungad sa amin ni Laurice whom we've known way, way back. "Ang gusto ko lang naman ay maging maayos at propesyonal ang lahat. I require discipline at kung susunod sila ay walang magiging problema o aberya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Ikondisyon nila ang pagiging metikulosa ko. In fairness sa cast na ang ilan ay nakatrabaho ko in the past ay enjoy daw sila working with me," pahayag ng batikang direktor.

Ang Second Chances ay story idea ni RJ Nuevas tungkol sa mga trahedyang naganap sa magkapatid at tungkol sa pagpapatawad.