Sampung pasahero ng bus ang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyan nila sa isang nakaparadang bus sa Pamplona, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Sinabi ni Senior Insp. Joel Sabuco, hepe ng Pamplona Police, na nangyari ang insidente dakong 1:35 ng umaga.

Ayon kay Sabuco, ang PP bus na sinakyan ng mga biktima ay patungo sana sa Samar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na minamaneho ni Allan Maranan, ng Barangay San Vicente, Camarines Sur, ang naturang bus nang mawalan ito ng preno.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nawala sa direksiyon ang bus at tuluy-tuloy itong tumawid sa kabilang kalsada hanggang bumangga sa nakaparadang Elavil Bus.

Nasugatan ang siyam na pasahero at ang driver ng bus na matagal bago naisugod sa pagamutan dahil sa pagkakaipit nito.

Mabuti na lang at walang nakasakay sa Elavil Bus nang mangyari ang aksidente.

Isinugod sa Naga City Hospital ang mga biktima at kakasuhan ng reckless imprudence resulting to physical injuries ang driver.