Binulabog ng isang malakas na pagsabog ang mga residente sa compound ng isang negosyante sa North Cotabato, kahapon.

Nangyari ang pagsabog dakong 4:30 ng umaga sa bahay ng presidente ng Samahan ng Magkakapitbahay sa Plang Village, Barangay Poblacion, Kabacan City.

Sa imbestigasyon ng Kabacan City Police, nabatid na isang hindi kilalang suspek ang naghagis ng bomba sa bahay ni Jun Moreno sa naturang lugar.

Sinabi ni Senior Supt. Danilo Peralta, ng North Cotabato Police Provincial Office (NCPPO), na sa kabutihang palad ay walang nasugatan sa insidente.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nawasak ang mga salamin sa bahay ni Moreno at kasamang nasira sa pagsabog ang kanyang sasakyan.

Agad namang iniutos ni Peralta sa Kabacan Police ang masusing imbestigasyon sa nangyari.