Narito ang karugtong ng pagksa nating sinimulan kahapon tungkol sa tips upang makontrol mo ang iyong mga umaga nang hindi ka magahol sa pagpasok mo sa trabaho o eskuwela. Sapagkat para tayong zombie na bumabangon sa umaga, hindi natin agad-agad na nalalaman ang ating ginagawa kaya kung anu-ano na lang ang ating inaatupad. Ito ang pangunahing dahilan kung kaya naaaksaya ang mahahalaga nating sandali sa umaga.

  • Huwag aksayahin ang oras. - Ang 15-30 minutong snooze time ay pag-aaksaya ng oras. Ang pagbabasa ng email at pagtugon doon ay pag-aaksaya ng oras. Ang pakikipag-usap sa iyong alagang pusa o aso o buwaya ay pag-aaksaya ng oras. Ang paghahanap mo ng kabiyak ng medyas o sapatos ay pag-aaksaya ng oras. Eh, kung isa-isa mo kaya itong alisin sa rituwal mo pagkabangon mo sa umaga, magkakaroon ka ng mas maraming sandali para sa iyong sarili nang makaalis ka agad sa bahay.

  • National

    FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

  • Unahin ang pinakamabigat na gawain. - Hinihimok tayo ni Mark Twain na “kumain muna ng buhay na palaka sa umaga at wala nang mas malala pa ang puwedeng mangyari sa iyo sa maghapon.” Ibig sabihin, kung uunahin mo ang pinakamabigat o pinakamahirap na gawain tuwing umaga, iyon ang unahin mong atupagin. Halimbawa, kung mahirap para sa iyo ang ipagluto ng almusal ang iyong mga anak, iyon ang iyong unahin. Sa gabi pa lamang ihanda mo na ang ilan sa mga sangkap upang hindi ka magahol sa umaga. At kapag nasilid mo na sa kanang mga bag ang niluto mong baon, magiging maginhawa na sa iyo ang iba mo pang asikasuhin sa umaga.
  • Umalis nang maaga. - Ang nakakainis lang, maaga ka na nga gumising pero late ka pa rin sa iyong trabaho o eskuwela dahil sa iba’t ibang distraction sa umaga. Kung hindi mo talaga maaareglo ang oras mo tuwing umaga, sikapin mo na lang na makaalis ka ng bahay nang maaga. Magagawa mo naman ang iyong trabaho (o pag-aaral) sa sasakyan gamit ang iyong ismarteng cellphone o tablet. Kapag umalis ka nang maaga, maiiwasan mo ang pagkalito sa umaga, ang pagiging abala, at ang pag-aakalang male-late ka na naman.