PAGKAGISING mo ba sa umaga pinipilit mong kumilos para ihanda ang iyong sarili sa pagpasok sa trabaho o eskuwela? Naghihilata ka ba muna hanggang sa huling sandali na kailangan mo nang lumabas ng bahay? O kung nagtatrabaho ka sa bahay, para ka bang zombie kung kumilos mula sa pagbangon sa higaan at gumugugol ka ng mahahabang oras bago mo simulan ang iyong trabaho? Totoo namang napakahirap bumangon sa umaga lalo na kung ramdam mong kapos ka sa tulog o pahinga. Narito ang ilang tips upang makontrol mo ang iyong mga umaga nang mas marami kang magawa:

  • Huwag mong pindutin ang snooze. - Aminin na natin, mahirap talagang bumangon sa umaga lalo na kung malamig pa ang paligid at masarap sa katawan ang malambot na higaan at maligamgam na kumot. Komportableng-komportable ka sa iyong pagkakahilata sa higaan. At kung ang gumigising sa iyo ay ang alarm ng iyong mamahaling cellphone, malamang na pipindutin mo ang snooze ng alarm para medyo humaba pa ang iyong pagtulog. Ngunit maghahatid ito sa iyo sa kabiguan dahil pagkalipas ng 30 minutong snooze, kailangan mong magmadaling mag-almusal, maligo, magbihis at lumarga patungo sa trabaho. Ayon sa mga eksperto, maaaring masira ang cycle ng iyong tulog sa paulit-ulit na gawi ng putul-putol na pagtulog.
  • Huwag iwala ang focus. - Kung kababangon mo lang at inaantok ka pa, malamang na para kang zombie na naglalakad patungo sa banyo o sa kusina o sa iyong damitan na hindi mo pa malaman kung ano ang iyong uunahing gawin. Dahil hindi malaman kung ano ang gagawin mo, sasayangin mo lang ang mahahalagang oras kapag inagaw ng mga walang kuwentang bagay ang iyong focus. Maiiwasan mo ang pag-aaksaya ng panahon kung hindi mo bubuksan ang TV o computer para manood ng balita. Iwasan din ang pagbubukas ng email gamit ang iyong cellphone o tablet. Iwasan mo nag lahat ng bagay na lalamon ng mahahalagang oras na laan para makalabas ka ng bahay nang maaga. Kung ikaw ang tipong matagal pumili ng isusuot sa pagpasok sa trabaho o eskuwela, sa gabi pa lamang, bago ka matulog, ihanda mo na ang iyong isusuot.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sundan bukas.