NAGKAKA-PERSONALAN na sina Comelec Commissioner Chairman Sixto Brillantes at dating Comelec Commissioner Augusto Lagman na pati ang kanilang ari-arian ay nauungkat na. Pero si Chairman ang mainit dahil sa pagbabatikos ni Lagman sa ginawa ng Comelec na ibigay na naman ang kontrata sa Smartmatic para ito ang mag-ayos ng PCOS machines na gagamitin uli sa darating na halalan.

Kay chairman, ang ginagawa ni Lagman ay pinalalabas na kumita siya sa kontrata. Pinalalabo ni Chairman ang talagang isyu sa pagitan nila ni Lagman.

Ang isyu, ayon kay Lagman, ay lalong magagamit ang PCOS sa dayaan na siyang problema na nga noong nakaraang halalan. Kapag ang Smartmatic ang magaayos ng mga ito ay lalo na nilang mapoprograma ang mga ito ayon sa layunin ng kahit sino.

Na kay Chairman na kung mapapaliwanagan niya ang mamamayan lalo na ang maghahalal sa isyung ito. Kasi, hinamon niya si Lagman sa isyung kung magagamit ang PCOS sa dayaan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Tinanggap naman nito ni Lagman. Huwag sanang magala-Binay si Chairman na pagkatapos siyang maghamon ay umatras siya. Magharap sana sila. Napakahalaga at napakaselan ang isyung ito na dapat ay malutas at maintindihan ng mga manghahalal na hindi puwedeng magamit ang PCOS sa dayaan na siyang pinaninindigan ni chairman.

Kapag nanatiling nakabitin ito at patuloy na nagiingay si Lagman, anuman ang maging bunga ng halalan ay may bahid pa rin. Mabuti sana kung hindi magiging garapalan ang pandaraya at ang resulta ng halalan, kahit paano, ay pwede na ring tanggapin.

Paano kung magbunga ito tulad ng naging bunga ng 1994 presidential elections na si Pangulong Gloria ang nagwagi laban kay Fernando Poe, Jr.? May gobyerno tayong lalong hindi igagalang.