PANGKALAN BUN, Indonesia (AP) — Ang buntot ng AirAsia passenger jet na bumulusok noong nakaraang buwan ay nakabaligtad patayo at bahagyang nakabaon sa sea floor, kaya’t pinag-aaralan ng mga eksperto kung paano mababaklas ang mga black box mula rito, sinabi ng isang Indonesian official.

Nakita ng mga diver at ng isang unmanned underwater vehicle noong Miyerkules ang buntot ng Flight 8501 na bumulusok sa Java Sea sakay ang 162 katao noong Disyembre 28, 2014. Ito ay isang mahalagang tuklas dahil ang mga black box — na makatutulong sa pagtukoy sa sanhi ng crash — ay matatagpuan sa bahaging ito ng eroplano.

“Expert teams from Indonesia and France are now looking for a technique on how to find and lift the black boxes from the plane’s tail in such a position,” ani Suryadi B. Surpiyadi, search and rescue operation coordinator sa air force base sa Pangkalan Bun, malapit sa search area.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente