PANGKALAN BUN, Indonesia (Reuters)— Sinamantala ang search teams na naghahanap sa black box flight recorders ng bumulusok na Flight QZ8501 ng AirAsia at nag-aahon ng mga bangkay ng biktima noong Martes ang sandaling pagbuti ng panahon na nagpahirap sa operasyon sa nakalipas na siyam na araw.

Naniniwala ang Indonesian officials na natagpuan na nila ang buntot at ilang bahagi ng Airbus A320-200 sa ilalim ng Java Sea, ngunit ang malakas na current at hangin at malalaking alon ang humahadlang sa pagpapadala ng mga diver para ito ay imbestigahan.

“It’s pretty good. We will start searching as quickly as possible,” sabi ni Air force Lt Col Jhonson Supriadi, mula sa Pangkalan Bun, ang bayan sa timog ng Borneo kung saan nakabase ang multinational search and recovery operation.

Tanging 37 bangkay ng karamiha’y pasaherong Indonesian ang natagpuan. Marami pa ang maaaring naiipit sa fuselage ng aircraft.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ilang diver na ang sumabak sa aksyon, at limang barko ang sumusuyod sa sea floor na may acoustic “pinger” detectors para makuha ang mga signal na nagmumula sa black box.