Dahil sa ikalawang yugto ng sin tax sa pagpasok ng 2015, muling nagtaas ang presyo ng sigarilyo at alak.

Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, epektibo nitong Enero 1, 2015 ay tumaas pa ang presyo ng sigarilyo at alak, alinsunod sa Sin Tax Law.

Sa sigarilyo, may nadagdag na P4 sa mga “low priced” na sigarilyo, tulad ng Fortune at Mighty, kaya sa halip na P17 kada pakete ay aabot na ito sa P21 bawat Alavarenpakete.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Magiging P28 na rin ang kada pakete ng dating P27 sa premium na sigarilyo, tulad ng Marlboro at Philip Morris.

Paliwanag ni Henares sa pagkakaiba ng dagdag-presyo sa dalawang klase ng sigarilyo, target na gawing P30 kada pakete ang lahat ng sigarilyo pagsapit ng 2017.

Hindi naman matukoy ng opisyal ang eksaktong dagdag-presyo sa mga alak pero sinabing mula sa 15 porsiyentong ad valorem tax ay aakyat na ito sa 20 porsiyento.

“Every year po tataas ‘yun tapos after 2017, every year, may increase po siya ng 4 percent,” pahayag ni Henares.

Nilinaw ni Henares na mapupunta sa health sector ang kikitain sa mga tinaguriang “sin products”.