Ni JOSEPH JUBELAG

GENERAL SANTOS CITY – Isang hinihinalang miyembro ng carnapping syndicate ang napatay sa pakikipagbakbakan sa awtoridad sa Pikit, North Cotabato nitong Martes.

Kinilala ni Senior Supt. Danilo Peralta, Cotabato Police Provincial Office director, ang napatay na si Muslimen Kawil, 20, ng Barangay Bulol sa Pikit.

Sinabi ni Peralta na napatay si Kawil matapos siyang makipagbarilan sa mga operatiba ng Task Force Pikit, sa pangunguna ni Supt. Jordine Maribojo, na tinangkang pahintuin ang minamaneho niyang motorsiklo na walang plaka habang binabagtas ang national highway sa Bgy. Poblacion.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pero sa halip na huminto ay Regalatinakasan ng suspek ang checkpoint at sumibad patungong Bgy. Gligli.

Nang makorner ng mga pulis ay nakipagbarilan sa mga ito si Kawil.

Nabawi ng mga pulis mula sa suspek ang isang .45 caliber pistol, shabu, pinatuyong marijuana at isang Kawasaki motorcycle na pinaniniwalaang ninakaw ng mga suspek.