ATLANTA (Reuters)— Sa pagkalat ng epidemya ng flu sa buong United States, at sa 15 batang iniulat na namatay sa siyam na estado, sinabi ng federal health officials noong Martes na hindi pa nila mahuhulaan ang bagsik ng kasalukuyang season.
Apat na bata ang namatay sa linggong nagtapos noong Disyembre 20, nang umabot sa epidemic levels ang flu para sa mga bata at matatanda, ayon sa Centers For Disease Control and Prevention.
Siyam na estado ang nag-ulat ng siyam na batang namatay: ito ang Arizona, Colorado, Florida, Minnesota, North Carolina, Nevada, Ohio, Texas at Virginia, ayon sa ahensiya.
“Flu is amazingly unpredictable,” ani Joe Bresee, Epidemiology and Prevention Branch chief for the CDC’s influenza division. “As flu becomes more common and more intense over the next few weeks, unfortunately those death numbers and hospitalization numbers will continue to rise.”
May 109 na bata ang namatay sa flu noong nakaraang flu season.