Prayoridad ng Mataas na Kapulungan na aprubahan ang panukalang batas na naglalayong dagdagan ng dibisyon ang Sandiganbayan upang higit na mapabilis ang pagresolba ng mga kaso.

Ayon kay Drilon, dapat na madagdagan pa ito ng dalawang dibisyon dahil sa ngayon ay umaabot ng halos pitong taon bago maresolba ang isang kaso ng katiwalian. “The addition of new divisions could also help speed up the trial of pork barrel cases in the sense that it would reduce the work load of the present divisions handling these cases,” aniya.

Tiwala rin si Drilon na maipapasa na ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) ngayong Pebrero, kapag naisumite na ang report ng Senate committee on local government sa pamumunoni Sen. Ferdinand Marcos Jr., para mabigyang-daan ang plebesito sa Hunyo.

Aniya, ang BBL ay magbibigay-daan sa Comprehensive Agreement ng Bangsamoro na nilagdaan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) para mapigilan na ang kaguluhan sa Mindanao.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho