LIPA CITY, Batangas – Balik-selda ang dalawang pugante matapos maaresto sa magkahiwalay na lugar sa follow-up operations ng mga awtoridad sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 Oliver Morcilla, naaresto sa Plaza Independencia sa Barangay 11 ng Lipa si Anny Salvador, lalaki, 28, akusado sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Children).

Nadakip siya dakong 1:30 ng hapon nitong Disyembre 28.

Disyembre 21 naman nang nadakip si Eduardo De Ocampo, 27, kinasuhan tungkol sa ilegal na droga, sa Barangay Balintawak sa Lipa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sabay na tumakas ang dalawa noong Disyembre 20 ng madaling araw mula sa detention cell ng Lipa City Police.