Tutulong ang Philippine Sports Commission (PSC) para palawakin ang partisipasyon ng mga kabataang atleta na nasa ilalim ng Department of Education (DepEd) para maipagpatuloy ang kanilang masustansiyang pagsabak sa taunang ASEAN University Games (ASG).
Sinabi ni PSC Commissioner Atty. Jose Luis Gomez na nakipagpulong ang pamunuan ng DepEd matapos isagawa sa bansa ang torneo kamakailan upang mas mapag-aralan at mapaunlad ang partisipasyon ng mga kabataang atleta.
“I was asked, on behalf of the PSC, to study and observe how we could uplift our participation in the ASEAN Schools Games. We have won 11 medals in the tournament but that was because our athletes are still at Palaro age while the rest or their rivals from other countries is in the college age,” paliwanag ni Gomez.
“The ASEAN School Games wants to know what to do better in the future staging of the tournament. Right now, we are left behind but because of the K12, we can catch up in the age bracket. We really want to focus on our youth especially those in the schools to spearhead us in our sports,” sinabi pa ni Gomez.
Kabuuang 124 gintong medalya ang pinaglabanan sa torneo kung saan ay iniuwi ng Pilipinas ang kabuuang 11 ginto, 14 pilak at 22 tanso na tinampukan ng atleta mula sa athletics, gymnastics at wushu.
Ang 11 gintong medalya ang pinakamaraming hinablot ng bansa mula nang palitan ang pangalan ng torneo bilang ASEAN Schools Games. Makasaysayan din para sa host-Pilipinas ang pagwawagi ng unang gintong medalya sa unang pagkakataon sa internasyonal na torneo.
Tatlo sa gintong medalya na napanalunan ng Pilipinas ay mula sa wushu. Nagwagi rin ng ginto ang Pilipinas sa boys basketball, golf at dalawa mula sa naging biktima ng bagyong ‘Yolanda’ na si Karen Janario at sa gymnastics.
Mahigit sa 1,500 student athletes ang lumahok sa torneo na isinagawa noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 5 kung saan ay nanguna ang Malaysia sa kinubrang 41 ginto, 34 pilak at 30 tanso o kabuuang 105 medalya habang pumangalawa ang Thailand na may 35 ginto, 29 pilak at 36 tanso para sa pangkalahatang 100 medalya.
Pumangatlo ang Indonesia (15 ginto, 31 pilak, 30 tanso =76 medalya) kasunod ang Pilipinas sa ikaapat na puwesto sa 11 ginto, 14 pilak at 22 tanso para sa kabuuang 47 medalya. Ikalima ang Vietnam (11-6-6=23) kasunod ang Singapore (10-10-19= 39) at ang Brunei (0-1-3= 4).
Susunod na gaganapin ang torneo sa Brunei Darussalam bilang host ng 7th ASEAN Schools Games.