WASHINGTON — Muling isinulong ng Food and Drug Administration ang pagbabawal sa mga bakla na mag-donate ng dugo.
Ayon sa ahensiya, papayagan nilang magsalin ng dugo ang mga ito kung sila ay hindi nakipagtalik sa kapwa lalaki sa loob ng isang taon.
“The FDA has carefully examined and considered the available scientific evidence relevant to its blood donor deferral policy,” ayon kay FDA Commissioner Margaret A. Hamburg. Aniya, “(FDA) will take the necessary steps to recommend a change to the blood donor deferral period.”
Ang nasabing pagbabago ay hindi kaagad maipapatupad. Kinakailangan munang isumite ng nasabing ahensiya ang draft guidance noong 2015, paliwanag ni Peter Marks, deputy director sa center for biologics evaluation and research ng FDA. Kasunod nito, sa 2015 posible na itong maging mabisa depende sa mga komento.
Nagsimulang ipagbawal ang pagsasalin ng dugo mula sa mga bakla noong 1980 sa kasagsagan ng AIDS matapos maiugnay ang gay sex sa HIV. Base sa datos na iprinisinta sa FDA, nadiskubre na ang mga pasyente na may AIDS noong 2012 ay 64% ang nakipagtalik sa kapwa lalaki.
Para makapagbigay ng dugo, ang mga donor ay sasagot ng mga katanungan at kinakailangan nilang maging matapat sa pagsagot.
Samantala, hindi naman ito labis na nakabawas sa bilang ng mga donasyon. Sa isang pagpupulong nitong Disyembre, sinabi ni Brooks Jackson, dean of the medical school at the University of Minnesota, wala namang kakulangan sa supply ng dugo. “There is more downside risk than upside,” pahayag niya. (Yahoo Health/ET)