VIC Sotto

Ni ELAYCA MANLICLIC, trainee

HINDI maikakaila ang kasikatan ni Vic Sotto simula pa noong maging miyembro siya ng VST and Co. (kasama sina Tito Sotto at Joey de Leon) hanggang ngayon na marami na siyang napatunayan sa industriya. Kilalang-kilala rin ang trio bilang hosts ng Eat Bulaga, ang longest-running variety show in the Philippine History.

Isa si Vic Sotto sa mga artista na tinatawag na may midas touch, lahat kasi ng proyekto niya, sa pelikula man o sa telebisyon, kumikita nang husto. Ang ilan sa mga ito ay ang Okay Ka, Fairy Ko na gumanap siya bilang si Enteng Kabisote (nagkaroon ng maraming pelikula), Iskul Bukol noong 70s na tinangkilik nang husto ng masa at nasundan pa nitong 2008, ang Iskul Bukol: 20 Years After. At siyempre, ang pambato niya last year na My Little Bossings (kasama sina Ryzza Mae Dizon at James “Bimby” Aquino Yap).

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kaya hindi na nakakagulat kung muling humakot ng moviegoers ang MMFF entry ni Bossing Vic ngayon na My Big Bossing kasama ulit si Ryzza Mae at iba pang malalaking artista na sina Marian Rivera, Nikki Gil, Pauleen Luna, Jose Manalo, Wally Bayola, Manilyn Reynes, at Niño Muhlach kasama pa ang anak niyang si Alonzo Muhlach.

Ang My Big Bossing ay may tatlong episode, ‘Sirena’, ‘Taktak’, at ‘Prinsesa’ na dinirehe ng tatlo sa mga pinakarespetadong director na sina Tony Y. Reyes, Marlon N. Rivera at Bb. Joyce Bernal. Nagsama-sama rin ang tatlo sa pinakamalalaking studios sa bansa, ang OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment, para mabuo ang My Big Bossing.

Wala nang duda, gagana ulit ang midas touch ni Bossing Vic ngayong Pasko.