“Dapat bumaba ang singil sa kuryente.”

Binigyan-diin ito ni Atty. Francis Saturnino Juan, executive director at tagapagsalita ng Energy Regulatory Commission (ERC), bilang reaksiyon sa patuloy na pagbulusok ng presyo ng langis.

“As a rule of thumb, mababa ang presyo ng kuryente kapag maliit ang gastos sa pag-produce,” dagdag ni Juan sa panayam.

Naiulat na tinapyasan ng mga kompanya ng langis ang kanilang presyo, at pinakahuli noong Disyembre 14, sa halagang P1.75 kada litro ng gasolina, P1.55 sa diesel at P1.80 sa kerosene.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inihayag ng Department of Energy na abot sa P10.74 kada litro ang nabawas sa presyo ng langis ngayong taon, kung saan nagtulak sa LTFRB na ibalik sa P7.50 ang mimimum na pasahe sa unang apat na kilometro.

Naunang inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) na bababa ang singil sa kuryente ngayong Disyembre sa 19 sentimos kada kilowatthour dahil sa pagbagsak sa generation charge.