Nagpahayag ng pangamba si Senator Ferdinand Marcos Jr. na mabalam ang pagpapasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL) dahil na rin sa usapin sa ating saligang-batas.

Ayon kay Marcos, maraming tanong kung alinsunod ba sa Konstitusyon ang BBL o may posibilidad bang matulad ito sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ibinasura ng Korte Suprema noong 2008.

Ang MOA-AD ay kasunduan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ang pagbasura ay nagbunsod ng mararahas na labanan sa pagitan ng ilang paksiyon ng MILF at ng militar.

Kaugnay nito, balak ni Marcos na hilingin kay Senator Miriam Defensor-Santiago, chairperson ng Senate committee on constitutional amendments, na magsagawa ng pagdinig para matukoy kung may paglabag sa batas ang BBL.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente