Binawi ng defending champion San Beda College (SBC) ang solong pamumuno nang kanilang gapiin ang College of St. Benilde (CSB), 3-1, sa pagpapatuloy ng 90th NCAA football competition na ginaganap sa Rizal Memorial Track and Football Stadium.

Tabla ang laban sa 1-1, isinalba ni Miguel Caindec ang Red Lions matapos magsalpak ng dalawang goals sa 39th minute at isang segundo ang nalalabi sa orasan bago ang halftime.

Mula doon, hindi na pinaporma ng tropa ni dating national coach Aries Caslib ang kanilang kalaban sa kabuuan ng second half upang masiguro ang panalo.

Dahil dito, nakapagtala sila ng kabuuang 12 puntos sa loob ng apat na sunod na panalo na nagluklok sa kanila sa solong pamumuno.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Una rito, agad ding naka-goal ang Red Lions sa pamamagitan ni Jay-R Sandoval na umiskor sa ninth minute bago nakatabla ang Blazers sa pamamagitan ni Robert Orlandez sa 15th mnute.

Bigo namang tumabla sa liderato ang Arellano University (AU), matapos silang mapuwersa sa 1-1 draw ng Lyceum of the Philippines University (LPU).

Muntik pang natalo ang Chiefs kung hindi nakahabol ng isang goal si Mario Titoy sa 50th minute matapos ang unang goal mula sa Pirates sa pamamagitan ni Joshua Ucang sa 29th minute.

Dahil sa draw, bumaba sa ikalawang puwesto ang Chiefs na mayroong 11 puntos.